Sa dalampasigan

Sa talahiban sa ilalim ng araw aki’y naririnig ang tibok ng aking puso.

Sumasabay sa alon at sa pag uwak ng mga ibon.

Ang ulo ko’y bumabalik sa mga panaho’y ako ay bata pa.

Para sa aking lakbay ngayon nais kong simulan ang sanaysay na ito sa isang espesyal na lugar sa aking puso.

Matagal na akong hindi nakaraan rito sapagkat umiba na ang aking tirahan.

Ito ay ang lugar kung saan ako madalas, ang dalampasigan.

Ang Sahud Ulan ang pangalan ng aking dating tirahan, ngunit wag kayong malito. Hindi palaging umuulan rito. Kwento rito ng mga matatanda, tinawag itong ‘Sahud Ulan’ dahil noon ay sumasahod ang mga tao sa ulan upang may mainom. Malapit ito sa dagat, kung tutuusin ay ilang metrong lakad lang ay mararating mo na ang dalampasigan.

Kayrami na ngang nagbago,ang dating dalampasigan na presko at walang katao-tao ay mukhang gumanda na.

Naalala ko pa nung ako’y bata, wala pang gaanong infrastraktura sa lugar. Puro bahay kubo lamang ang kapwesto at bente pesos lamang ang entrance fee. Ngayon ay 100+ na.

Kung dati madalas akong nakakapangolekta ng mga magagandang seashell malapit sa tubig ngayo’y ni isa wala na kong makuha.

Kay bilis nga naman ang panahon na magbago, pero hindi ba mas lalong nagiging matamis ang iyong mga ala-ala dahil sa pagbabago? Sapagkat ikaw lamang ang may karanasan na iyon na hindi na maibabalik kailan pa.Ito ay isang bagay sa iyo na hindi makukuha nino man. Mabenta man o mawala ang lugar na iyong minsa’y kinagiliwan.

Ito ang ginto dulot ng paglalakbay. Ang alaala ng isang lugar.

Leave a comment